Maraming maraming salamat sa lahat ng naging parte ng #RakrakanFestival, sa Circuit Makati for the great venue, sa lahat ng sponsors, sa mga banda na patuloy na sumusuporta, sa Merch and Food Bazaar participants, sa lahat ng staff, sa media partners, photographers, sa bouncers at security, sa suppliers, at higit sa lahat sa lahat ng mga rakista na naki mosh move at groove sa RakrakanFestival! Na cancel man pero tuloy pa rin! Tapos na ang Rakrakan ’15, pero, hindi pa dito nag tatapos — ngayon, ay oras naman sa pag plano para sa susunod. Kami sa Rakista Radio ay masaya at sana kayo din mga naging parte ng event na ito. Ngayon at magpakailan man buhay ang OPM Rock at kita kits tayo sa susunod!

Harold Ridz Solomon
CEO, Rakista Radio

 

 
Please follow and like us:
20